Pages

Subscribe:

Thursday, 14 February 2013

KUNWARI - Lyrics (By.GLOC 9 X KAMIKAZEE featuring Biboy Garcia & Manuel Legarda)

Mga kababayan sa darating na halalan
Ako po'y sanay mapagbigyan
ang nais ko lang naman kayong lahat ay mapag silbihan

Ako! ako! akong piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan pa ko sa mata

AKO! AKO ANG PILIIN NYO
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Nang kahirapan nyo KUNWARI
Nang kahirapan nyo KUNWARI

Panahon nanaman
Nang magulong bilangan
Kung hindi ka makatiis!
Ang muka mo ay manipis!
Hindi uso ang mahiyain!
Kahit busog kumakain!
Lahat ay napapa iling!
Sa tulog tulugan na gising!
Ako nga po PALA at si...
Kandidatong may pambili...
Nang Kotse, Bahay at Lupa

Kayo lang naman ang alam lang ay manghuhula
Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha
Ang lahat ng mga sinungaling ay mapuksa
Akin na mga pera mapapasakin sige na!

Ako! ako! akong piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan pa ko sa mata

AKO! AKO ANG PILIIN NYO
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Nang kahirapan nyo KUNWARI

Kapag ako ay inyong binoto
Lahat ay magkakatrabaho
Bawat pamilya may bigas
Mga palad kung nakabukas
Baket tayo nakukontento
Pag binigyan ng 1 Kilo
Na ang dapat nakalaan
Higit pa sa isang kaban
Galing nga po pala yan kay...
Kandidato na naglagay
Nang Kotse, Bahay at Lupa
Kayo lang naman ang alam lang ay manghuhula
Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha
Ang lahat ng mga sinungaling ay mapuksa
Akin na mga pera mapapasakin sige na!

Ako! ako! ako Ang piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan pa ko sa mata

AKO! AKO ANG PILIIN NYO
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Nang kahirapan nyo KUNWARI

Wag nyo pong kalilimutan ang aking pangalan
At ang lahat ng aking mga pinagsasasabi!
Ay hindi kasinungalingan!

(Ako! ako akong piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan nyo pa ko sa mata)

Ako! ako! ako Ang piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan pa ko sa mata

AKO! AKO ANG PILIIN NYO
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Nang kahirapan nyo KUNWARI


Mga pangako na katumbas lang ay basura
Na pinapahawakan mabaho na nga paso pa sa apoy ng kasakiman
Pinagkaluluhan maamoy na mga dahilan
Kaya sinusuka harap harapan to hindi kailangan ng quota
Na para bang binola mo na tinapunan ng muta
Sobrang magkaiba ang minasdan sa nakita
Lalo na ang tiwala na binigay sa kinuha

0 comments:

Post a Comment